Personal na Blog
Ang Social Media sa Aking Buhay
Panulat ni: Jerwin R. Ereno
Marami na tayong makikitang mga tao ngayon na halos buong araw na lang ay cellphone na lang ang hawak. Facebook dito, YouTube doon, Twitter dito, Instagram doon at kung ano-ano pang mga pinagkakaabalahan nila sa kanilang cellphone buong araw. Makikita din natin na hindi lang mga matatanda kung pati na rin mga bata ngayon ay may kanya-kanya na ring Social Media account at ang kaharap na lang nila buong araw ay cellphone, computer at iba’t iba pang mga gadget na may internet access. Ngunit meron ba itong naitutulong para sa atin?
Para sa aking sariling opinyon, hindi naman masama gumamit ng mga Social Media, depende na lang ito sa gumagamit. Katulad ng YouTube, ako ay nanonood dito madalas na tungkol sa Photography, sa mga proyekto rin na dapat naming pag-aralan na makikita namin sa YouTube. At nakakatulong rin naman ang Facebook sa pag-aaral, katulad ng pagmemensahe sa amin ng aming guro ng tungkol sa aming mga takdang aralin at kami rin ay nakakapag tanong ng mabilis gamit ang Messenger na ukol sa aming pinag-aaalan.
Ang masamang maiidulot lang nito ay ang paggamit ng hindi wastong paggamit, dahil hindi rin natin namamalayan minsan na ang oras na dapat nating igugol para sa mga gawain na kapakipakinabanag ay nauubos natin sa sobrang pagtutok sa Social Media. Kaya dapat ay balansi lang paggamit nito at nasa tamang oras.
Comments
Post a Comment