SOCIAL MEDIA AT INTERNET- INSTRUMENTO NG MGA MAG-AARAL
Sa isang pagsusuri, 94% ng mga kabataan ay gumagamit ng Social Media o Internet. Maraming maitutulong ang Social Media sa buhay ng bawat kabataan, sa pag-aaral o paglilibang man. Ito ang kanilang pinakapaboritong kasiyahan.
Ang naitutulong ng Social Media saakin ay nakakausap ko ang aking mga kaklase kapag may mga kailangan kaming taposin. Nakakausap ko ang aking mga mahal sa buhay na hindi ko nakakasama o nakikita sa aming lugar. Meron kasi akong mga kamag-anak na nasa ibang bansa. Ang ginagamit naming Social Media application ay ang pinakapopular na 'Facebook at Messenger,' Doon nakakausap at nakikita ko sila, gumagawa din kami ng groupchat para makapagusap ng mga pampamilyang usapin. Ginagamit ko din ito sa pakikipagusap sa aking mga malalapit na kaibigan na hindi ko nakikita. Naisheshare ko din dito ang mga pictures ko, ng aking pamilya, at mga kaibigan.
Mahalaga din saaking ang Internet. Ito ang pinakaimportante, hindi lang saakin, kundi sa iba pang mag-aaral. Ang pinakatulong nito ay sa pag-aaral ng mga kabataan, kung saan puwedeng saliksikin ang mga salitang hindi ko alam at paggawa ng mga assignments o projects. Madaling maaccess dito ang mga impormasyong gusto kong malaman. Di tulad ng dati na kailangan pa nating pumunta ng library para mag-basa ng maraming libro para lang makakuha ng maraming impormasyon. Pero ngayon, isang click mo lang nariyan na lahat ng kailangan mo.
Sa kabila ng tulong ng Social Media o Internet sa buhay ng mga kabataan, may mga masasamang epekto din naman. Halimbawa, baka di na tayo gumagawa ng mga assignments o hindi sumusunod sa utos ng magulang dahil naubos ang oras sa kak-gamit ng gadgets. O baka naman naiimpluwensiyahan tayo nito at nagiiba na ang ating ugali.
Dapat magtakda ng oras sa paggamit ng gadgets. Balansehin ang panahon sa pag-aaral at paglilibang. Sa paggawa nito, mapapabuti ang ating buhay.

Personal na Blog
ISINULAT NI:
JULIANNA ERIKA C. UY-GAW
https://www.hhs.gov
Comments
Post a Comment