Sa paglipas ng panahon madmaing tao ang gumagamit ng Social Media, mapabuti man ito o mapasama. Social Media na siguro ang bagong namamahala sa mga tao, dahil sa pang araw-araw na paggamit nito. Pagkagising sa umaga nakaharap kagad sa cellphone o computer o kaya'y naman sa harap ng hapag kainan. Nakakalimutan na magusap-usap ang mga pamilya dahil sa nakakatutok lang sa mga gadgets.



Sa kabila ng ito malaki ang tulong ng social media sa mga mag-aaral gaya ko. Mas naging advance tayo sa mga kaalaman na dati'y pahirapan makuha. Malaki ang naging sakop natin sa mga balitang international. Nagkaroon ng mga updated na libro at mga computer na ginagamit sa paaralan. Mas napadali ang ang paggawa ng mga takdang aralin at mga Research papers dahil konting type nalang ay lalabas na agad ang mga sagot. O kaya'y naman lumiban sa klase, madali macontact ang mga guro o mga kaklse kung ano ang mga lesson at takdang-aralin.
Ngunin kailangan pa rin natin magingat sa Social Media dahil marmaing panganib ang dala nito sa atin. Gaya ng mga balita na walang katotohanan. Cyberbullying ang malaking bagay na dapat iwasan na mag-aaral dahil makakasira ito para sa atin. Kaya bago bumukas ng isang website suriin muna ito kung wala itong dalang panganib. Ika nga nila "Think Before You Click".
Akda ni Trent Del Valle
Comments
Post a Comment