Skip to main content

  Personal Blog       

Nagagawa ng Internet at Social Media saakin bilang Estudyante


Ang may akda: Don-Don Sebastian G. Romero

           Ang Internet ay mahalaga sa akin bilang estudyante para masaliksik ko ang hindi ko alam. Nakakatulong sa akin ang internet para mas madali kong maintindihan ang aking sinasaliksik o pinag-aaralan. Ginagamit ko ang internet para mas marami akong makuhang importanting mga impormasyon o dokumento na makatutulong sa akin sa pag-aaral. Nagagamit ko ang internet sa sa aking mga projects at assignments.

           Ang Social Media naman ay nakakatulong din sa akin sa pag-aaral bilang estudyante, hindi lang sa pag-aaral, kundi ito din ay nakatutulong sa akin para makontak ko ang aking mga mahal sa buhay kahit malayo sila sa akin. Nag bibigay din ito ng kaunting impormasyon kung ano ang nangyayari sa ibang lugar na hindi abot ng mga nagbabalita. Nakakatulong din ang social media sa akin bilang estudyante para malaman ko kung ano na ang nangyayari sa ating komunidad.

           Pero para sa akin, malaki ang epekto ng Internet at Social Media sa mga tao at sa akin bilang estudyante dahil ginagawa nitong tamad ang mga tao, hindi na mautusan at nawawalan na nang galang ang mga kabataan sa kanilang mga magulang o nakakatanda sa kanila. Pinapaliit din nito ang ating mundo sa pamamagitan ng Facebook, Instagram at iba pa. Kung hindi tayo mag-iingat sa pag gamit ng Internet at Social Media, pwede tayong ma-addict sa paggamit ng Facebook, Instagram, Youtube, pag lalaro ng mga Online Games at iba pa. Dapat tayo mag-ingat sa paggamit ng Internet at Social Media. Hindi dapat ang Internet at Social Media ang mag control ng ating buhay, dapat tayo ang mag control sa Internet at Social Media. Bilang estudyante kailangan din natin ang Internet at Social media sa ating pag-aaral pero dapat din tayo maging mapanuri sa ating mga ginagawa at  hinahanap sa loob ng internet at social media dahil hindi lahat nang nasa internet at social media ay maganda at nakakabuti para sa ating mag-aaral.









Comments

Popular posts from this blog

SOCIAL MEDIA AT INTERNET- INSTRUMENTO NG MGA MAG-AARAL           Sa isang pagsusuri, 94% ng mga kabataan ay gumagamit ng Social Media o Internet. Maraming maitutulong ang Social Media sa buhay ng bawat kabataan, sa pag-aaral o paglilibang man. Ito ang kanilang pinakapaboritong kasiyahan.            Ang naitutulong ng Social Media saakin ay nakakausap ko ang aking mga kaklase kapag may mga kailangan kaming taposin. Nakakausap ko ang aking mga mahal sa buhay na hindi ko nakakasama o nakikita sa aming lugar. Meron kasi akong mga kamag-anak na nasa ibang bansa. Ang ginagamit naming Social Media application ay ang pinakapopular na 'Facebook at Messenger,' Doon nakakausap at nakikita ko sila, gumagawa din kami ng groupchat para makapagusap ng mga pampamilyang usapin. Ginagamit ko din ito sa pakikipagusap sa aking mga malalapit na kaibigan na hindi ko nakikita. Naisheshare ko din dito ang mga pictures ko, ng aking pamilya, at mg...
The Power of Media  , Media Information and Media Controversies 1.) Economy -  the wealth and resources of a country or region, especially in terms of                                    the  production and  consumption of goods and services.  careful                                             management of available resources. 2.) Education   - Using Online courses now a days. 3.) Social Change 4.) Politics -  he activities associated with the governance of a country or other area, especially the debate or conflict among individuals or parties having or hoping to achieve power. "RATINGS = REVENUES" Media  Controversies 1.) Stereotyping - labeling an entire group of people according to the characteristics of so...
                  Sa paglipas ng panahon madmaing tao ang gumagamit ng Social Media, mapabuti man ito o mapasama. Social Media na siguro ang bagong namamahala sa mga tao, dahil sa pang araw-araw na paggamit nito. Pagkagising sa umaga nakaharap kagad sa cellphone o computer o kaya'y naman sa harap ng hapag kainan. Nakakalimutan na magusap-usap ang mga pamilya dahil sa nakakatutok lang sa mga gadgets.                     Sa kabila ng ito malaki ang tulong ng social media sa mga mag-aaral gaya ko. Mas naging advance tayo sa mga kaalaman na dati'y pahirapan makuha. Malaki ang naging sakop natin sa mga balitang international. Nagkaroon ng mga updated na libro at mga computer na ginagamit sa paaralan. Mas napadali ang ang paggawa ng mga takdang aralin at mga Research papers dahil konting type nalang ay lalabas na agad ang mga sagot. O kaya'y naman lumiban sa klase, madali macontact ang mga guro...