Skip to main content

Personal Blog     

Hatid ng Komonikasyon Gamit ang Social Media sa mga mag-aaral

Ang may akda: Arms Estonido

Sa panahon ngayon napakalaki ng pag babago sa sistema ng teknolohiya saan man panig ng mundo. ito ay nag dulot ng malawakang kagandahan sa pamumuhay ng mga tao, kabilang na dito ang pakikipagkomunikasyon sa pag gamit ng teknolohiya dito mas napapadali ang pakikipag  palitan ng mga ediya o impormasyon sa madaling panahon at proseso. Ang Social Media ang pinaka popular sa pakikipag-komunikasyon na gamit ng mga tao ngayon.

Ang Social Media para sa akin ay masasabi kong isang sistema ng pakiki-pagtalastasan na ito ay nakakatulong sa akin bilang isang mag-aaral upang maslalo ko pang malaman ang paraan ng pakikipag-usap sa ibang tao gamit ang social media. 

Bilang isang mag-aaral sa pag-gamit ng  internet at social media ay masasabi kong ito ay magdudulot ng kapakinabangan at kapahamakan sa tao. Ang kagandahan ng internet at pag-gamit ng social media ay nagiging madali ang proseso sa pag-aaral at pakikipag usap sa mga taong nais mong kausapin kahit sila ay nasa malalayong lugar. Dahil narin sa social media ay nagkakaroon ka ng malayang opinyon kong ano ang iyong saloobin sa mga pangyayari na nagaganap sa iyong lipunan at dahil dito mas madali mong nalalaman ang mga pangyari, at gayon din ang INTERNET nagiging madali ang pag-aaral dahil madali kong nakukuha ang nais kong impormasyon sa internet gamit ang GOOGLE, YOUTUBE at iba pa. Masasabi kong na dahil sa pag-usbong ng teknolohiya ang pamumuhay ay naging madali at kumportabli para sa mga tao at lumago ang economiya ng maraming bansa dahil dito.

Ngunit sa paglago ng teknolohiya gamit ang social media at internet ay may kapahamakan namang maidudulot sa mga tao kabilang narito ang crimen, kalusugan, sekolohiya, lipunan, kalikasan at marami pang iba. Dahil sa ganitong sanhi ay nalaman ko na hindi lahat ng ating ginagamit ay puro magaganda ang maidudulot sa tao kundi mayroondin na masama.

Lahat tayo ay may responsibilidad na ginagampanan sa pag-gamit ng mga bagay na ito kabilang na ang ating sarili, pamilya, lipunan, gobyerno, kalikasan at higit salahat sa diyos.  Kaya magkaroon tayo ng isipan na sa pag-gamit natin ng mga bagay na ito ay maging maayos para sa lahat at kong ito ba ay nakakalugod sa diyos. Sabi nga " Kong ano ang tinanim, Yon rin ang aanihin". 

Comments

Popular posts from this blog

SOCIAL MEDIA AT INTERNET- INSTRUMENTO NG MGA MAG-AARAL           Sa isang pagsusuri, 94% ng mga kabataan ay gumagamit ng Social Media o Internet. Maraming maitutulong ang Social Media sa buhay ng bawat kabataan, sa pag-aaral o paglilibang man. Ito ang kanilang pinakapaboritong kasiyahan.            Ang naitutulong ng Social Media saakin ay nakakausap ko ang aking mga kaklase kapag may mga kailangan kaming taposin. Nakakausap ko ang aking mga mahal sa buhay na hindi ko nakakasama o nakikita sa aming lugar. Meron kasi akong mga kamag-anak na nasa ibang bansa. Ang ginagamit naming Social Media application ay ang pinakapopular na 'Facebook at Messenger,' Doon nakakausap at nakikita ko sila, gumagawa din kami ng groupchat para makapagusap ng mga pampamilyang usapin. Ginagamit ko din ito sa pakikipagusap sa aking mga malalapit na kaibigan na hindi ko nakikita. Naisheshare ko din dito ang mga pictures ko, ng aking pamilya, at mg...
The Power of Media  , Media Information and Media Controversies 1.) Economy -  the wealth and resources of a country or region, especially in terms of                                    the  production and  consumption of goods and services.  careful                                             management of available resources. 2.) Education   - Using Online courses now a days. 3.) Social Change 4.) Politics -  he activities associated with the governance of a country or other area, especially the debate or conflict among individuals or parties having or hoping to achieve power. "RATINGS = REVENUES" Media  Controversies 1.) Stereotyping - labeling an entire group of people according to the characteristics of so...
                  Sa paglipas ng panahon madmaing tao ang gumagamit ng Social Media, mapabuti man ito o mapasama. Social Media na siguro ang bagong namamahala sa mga tao, dahil sa pang araw-araw na paggamit nito. Pagkagising sa umaga nakaharap kagad sa cellphone o computer o kaya'y naman sa harap ng hapag kainan. Nakakalimutan na magusap-usap ang mga pamilya dahil sa nakakatutok lang sa mga gadgets.                     Sa kabila ng ito malaki ang tulong ng social media sa mga mag-aaral gaya ko. Mas naging advance tayo sa mga kaalaman na dati'y pahirapan makuha. Malaki ang naging sakop natin sa mga balitang international. Nagkaroon ng mga updated na libro at mga computer na ginagamit sa paaralan. Mas napadali ang ang paggawa ng mga takdang aralin at mga Research papers dahil konting type nalang ay lalabas na agad ang mga sagot. O kaya'y naman lumiban sa klase, madali macontact ang mga guro...