Skip to main content

                                                                     Personal na Blog

                                                        ANO ANG SOCIAL MEDIA?
                                                          panulat ni: Antonio L. Co Jr.                                                         

                Social Media - ang pinakasikat at lumilihis na pagkahilig ng mga tao ngayon. Walang pagdududa na halos lahat na tao ngayon ay mayroon ng social media account. Marami ngayon ang naaakit dito sa kadahilanan na marami itong benepisyo at luwag. Nasa kaya ng social media na tulutan ang mga tao na makipag-usap, tulungan, at maghalo ng iba't ibang klase ng ideya, impormasyon, personal na pahatid, at iba ibang nilalaman (content) sa lahat ng tao at institusyon sa iba't ibang panig ng mundo.
Isa sa mga bagay na nakatulong sa akin bilang estudyante ay ang kaginhawaan sa pananaliksik. Napakadali at napakagaan na ngayon sumaliksik kumpara sa nakaraan dahil sa Internet at Social Media. I-type lamang kung ano ang tema o hinahanap sa Google at sa isang segundo, lumalabas ang lahat na nauugnay na impormasyon. Mas madali at maginhawa para sa amin na mga mag-aaral upang ma-access ang impormasyon. Ito ay nasa kapangyarihan ng Social Media upang kumonekta sa mga tao, bumuo ng mga relasyon, ibahagi ang iyong kadalubhasaan, at turuan ang iyong sarili ng iba'at ibang klase ng kadalubtiasaan. Sa isang click o tap lamang sa iyong smartphone o computer, ang lahat na ito ay posible. Kung ito ay talagang posible sa nakaraan, walang sinuman ang maniniwala nito. Ngunit narito tayo.
Subalit mayroong ito ng hindi mabilang na mga posibilidad at opportunidad, mayroon din itong napakalaking pinsala at kasiraan sa isip ng maraming mga taong nag-susubscribe dito, bata at matanda...ngunit karamihan kabataan. Bakit naman ang isang napaka pakinabang na bagay mayroon ng problema? Hinda ba may mga bagay na tumutulong at mga bagay na sumisira nang nag-iisa? Bakit ang isang kaaya-ayang bagay may capalidad din na makapinsala ng napakalaking danyos? Parehas ng martilyo at kutsilyo, pwede magamit ito para gumawa at yumari o pumuksa at magsira. Ito ang isang aspeto lamang ng Social Media.
Isa sa aking mga naranasan sa paggamit ng Social Media ay ang FOMO o ang Fear of Missing Out. Ang FOMO ay ang pagkabalisa na "ang isang kapana-panabik o kagiliw-giliw na kaganapan ay maaaring kasalukuyang nangyayari sa ibang lugar, madalas na napukaw ng mga post na makikita sa isang social media website." Ito ay karaniwan sa edad na ito. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang FOMO ay "humahantong sa labis na kawalang kasiyahan at may masama na epekto sa ating pisikal at mental na kalusugan - mga pagbabago sa mood, kalungkutan, damdamin ng kababaan, pagbaba ng pagpapahalaga sa sarili, labis na panlipunan pagkabalisa, at mas mataas na antas ng negatibiti at depresyon."
Ang isa ko pa na naranasan sa paggamit ng Social Media, (at nararanasan pa hanggang ngayon) ay ang pagkawala ng pagkaunawa at konsentrasyon at emosyonal na connection kapag nakikipag-usap na harapan sa tao.
Isang napakahalagang bahagi na ito sa buhay natin lahat, bilang estudyante, magulang, titser, o kilalang tao. Napaka importante at laki na ng Social Media ngayon. Ito na ang buhay natin lahat. Pero hindi ako masaya dito. Naniniwala ako na lahat ng bagay at tao rito sa mundo ay mas lalong maglalala. Walang makakaiwas na sa daan ng paglala ng buhay ng tao. At ito lahat ay dahil sa ating mga sarili.






Comments

Popular posts from this blog

SOCIAL MEDIA AT INTERNET- INSTRUMENTO NG MGA MAG-AARAL           Sa isang pagsusuri, 94% ng mga kabataan ay gumagamit ng Social Media o Internet. Maraming maitutulong ang Social Media sa buhay ng bawat kabataan, sa pag-aaral o paglilibang man. Ito ang kanilang pinakapaboritong kasiyahan.            Ang naitutulong ng Social Media saakin ay nakakausap ko ang aking mga kaklase kapag may mga kailangan kaming taposin. Nakakausap ko ang aking mga mahal sa buhay na hindi ko nakakasama o nakikita sa aming lugar. Meron kasi akong mga kamag-anak na nasa ibang bansa. Ang ginagamit naming Social Media application ay ang pinakapopular na 'Facebook at Messenger,' Doon nakakausap at nakikita ko sila, gumagawa din kami ng groupchat para makapagusap ng mga pampamilyang usapin. Ginagamit ko din ito sa pakikipagusap sa aking mga malalapit na kaibigan na hindi ko nakikita. Naisheshare ko din dito ang mga pictures ko, ng aking pamilya, at mg...
The Power of Media  , Media Information and Media Controversies 1.) Economy -  the wealth and resources of a country or region, especially in terms of                                    the  production and  consumption of goods and services.  careful                                             management of available resources. 2.) Education   - Using Online courses now a days. 3.) Social Change 4.) Politics -  he activities associated with the governance of a country or other area, especially the debate or conflict among individuals or parties having or hoping to achieve power. "RATINGS = REVENUES" Media  Controversies 1.) Stereotyping - labeling an entire group of people according to the characteristics of so...
                  Sa paglipas ng panahon madmaing tao ang gumagamit ng Social Media, mapabuti man ito o mapasama. Social Media na siguro ang bagong namamahala sa mga tao, dahil sa pang araw-araw na paggamit nito. Pagkagising sa umaga nakaharap kagad sa cellphone o computer o kaya'y naman sa harap ng hapag kainan. Nakakalimutan na magusap-usap ang mga pamilya dahil sa nakakatutok lang sa mga gadgets.                     Sa kabila ng ito malaki ang tulong ng social media sa mga mag-aaral gaya ko. Mas naging advance tayo sa mga kaalaman na dati'y pahirapan makuha. Malaki ang naging sakop natin sa mga balitang international. Nagkaroon ng mga updated na libro at mga computer na ginagamit sa paaralan. Mas napadali ang ang paggawa ng mga takdang aralin at mga Research papers dahil konting type nalang ay lalabas na agad ang mga sagot. O kaya'y naman lumiban sa klase, madali macontact ang mga guro...